Wednesday, April 7, 2010
Ang Aking Memory Box
Mas matindi pa sa Pandora's Box ang kayang ilabas ng aking mahiwagang Memory Box! Yes naman, matagal-tagal ko ring hindi ito nabubukasan. Natatawa ako sa mga laman nito dahil yung iba eh kitang kita ang pagka-corny ko. Hindi naman actually ka-cornyhan. Just sentimental. Hindi ka maniniwala na may mga takip dito ng alak na itinago ko pa para may remembrance sa mga unang pagkakataon na dumaloy ang alkohol at alak sa aking sistema.
Una pa lang yan. There's more. Ultimong mga resibo sa Jollibee, McDonald's, Pizza Hut atbp. fast food and resto e naitago ko. Ngayon ay kupas na at hindi na makita kung magkano ang nagastos. Balak ko pa naman sana kwentahin lahat kung magkano. Hehehe.
Naglalaman din ito ng maraming litrato. Mula pa nung bata ako, hanggang elementary, high school, college, at ngayong ganap na akong propesyonal. Nakakatawa kasi para akong tao na bumaba ng level tapos umangat uli. Homo sapiens tapos naging homo erectus, tapos naging homo sapiens ulit. Hahaha. Nakakatawa dahil dumaan din yata ako sa pagiging palaka.
Hindi siyempre mawawala ang mga sulat sa akin, simple man yan o hindi. Nasa scrap man o nasa magandang envelope. Mga card na nagmula sa iba't ibang tao sa iba't ibang okasyon. Meron din naman na kahit walang okasyon eh sinusulatan ako. Pero meron din na mga sulat ko sa sarili ko. OMG. Ang corny ko. And I'm so immature pa noon. Hahaha.
Pati nga sim packs eh andito. May sun, globe, kapamilya sim, smart, TM, talk n txt, hahaha. Oo may kapamilya sim card ako dati hahaha. Loyal eh, bakit ba?
Lyrics ng kanta meron din. Yung mga kanta na kinaadikan ko noon. Meron din mga script na ginawa ko noong college para sa mga presentation. May mga library card, ID, atbp. Meron nga ding mga etiketa, mga price tags, plastics, tickets ng bus, movie house, at amusement parks.
Syempre naman andito ang mga regalo sa akin na mga bagay-bagay. Super naaappreciate ko po hanggang ngayon! Marami pa talaga. Pati balat ng mga candy, chocolate, snacks, ketchup, at gamot. May mga token, key chain, excuse letters, tuition fee receipts, ribbons, stamps, raffle ticket, paint brush, at marami pang iba.
Kailangan ko nang maglipat ng lalagyan. Napupuno na ng mga alaala ang kahon. Kailangan ko nang maghanda para sa mga bagong alaala na bubuuin ko kasama ang mga tao sa paligid ko. Maraming alaala ang darating at bubuuin pero siguradong may mga alaalang hindi na mabubura sa aking isip at diwa. At hangga't andito ang kahon ko, mananatiling buhay ang mga alaalang minsang kumurot sa aking puso. Thank you Box ko, I love you! Hehehe.
Tuesday, April 6, 2010
The Last Time
Oh my God! Hahaha. Someone sang this song for me. Read or listen to it first.
THE LAST TIME
The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without romance, you're never gonna fall.
After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll fall... in love.
The first time we walked under that starry sky,
there was a moment when everything was clear.
I didn't need to ask or even wonder why, because each question is answered when your near.
and I'm wise enough to know when a miracle unfolds, this is the last time i'll fall in love.
Now don't hold back, just let me know.
Could i be moving much too fast or way too slow.
'Cause all of my life, I've waited for this day.
To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.
This is the last time I'll fall in love.
Last time i'll fall in love.
The last time i'll fall... in love.
Napaka-sweet di ba? hahaha. Iniisip ko, sana he really mean the message of the song. Sana totoong nahulog na siya sa akin. Sana totoong sobrang saya niya pag kasama niya ako. Ngayon yung panahon na hindi ako nagiging nega sa love. Hindi ako nag-eexpect ng higit pa sa kung anuman ang meron kami ngayon. Overwhelmed ako na masaya kami together. At pinapangiti niya ang puso ko na matagal nang bitter. Pinatibok niya uli ang puso kong parang matagal nang huminto.
Sa song na iyan, hindi niya sinabi ang phrase na I LOVE YOU. Feeling ko very sincere ang gustong iparating ng kantang ito. At isa pa nagpapakilig sa akin ay yung "The first time we walked under that starry sky, there was a moment when everything was clear.
I didn't need to ask or even wonder why, because each question is answered when your near.". Special yang line na yan kasi naglakad-lakad naman talaga kami sa Baywalk, sa ilalim ng maraming bituin.
Isisingit ko lang na namasyal kami sa Baywalk, dun kami nagmerienda at nagdinner kasi nagbaon kami ng food. Nagkwentuhan. Binuksan ang puso sa bawat isa.
At pakiramdam ko talaga na pinag-isipan niya talaga na ito ang kantahin para sa akin kasi nasaktan na rin siya noon ng sobra, nung huli siyang nagmahal. At kung saka-sakaling ibibigay niya sa akin yung huling chance na magmamahal siya, hindi ko siya bibiguin. Iba na ang nararamdaman ko sa kanya. Kung anuman ang mangyari, saan man kami mapunta, saan man kami dalhin ng tadhana, hindi na maaalis ang alaalang ito sa amin.
Isinusumpa kong it won't be the last time na mararamdaman namin ang saya na naramdaman namin nung namasyal kami, kumanta, at nagsaya.
.

Sunday, April 4, 2010
Mga Mukha sa Aking Panaginip
Happy Easter and Happy Summer sa inyong lahat. Easter Sunday ngayon at sa halip na naghahanap ako ng itlog, ay pag-aadmit ng mga pasyenteng mataas ang BP, inuubo, hinahapo, at nilalagnat, ang aking inatupag. Nakakapagod, first day ko pa naman sa Emergency Room. At dahil stressed ako ay natulog ako pagkauwi ko sa bahay...
Madalas pag nananaginip ako, hindi ko na naaalala pagkagising ko kung anuman yun. Pero kanina, saglit lang naman ako natulog, siguro dalawang oras lang. Bakit parang ang dami dami kong napanaginipan. Napakaraming tao sa panaginip kong iyon at hanggang ngayon ay pilit ko pang inaaalala kung sino pa yung iba. Maraming tao pero iisa halos ang setting, dito sa bahay namin.
Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon, bakit dinumog yata kami. Wala namang handaan. Wala namang patay. Hindi rin fiesta. Narito ang incomplete list ng mga nakita ko sa panaginip ko.
- mga kaibigan ko sa Facebook
- mga kaibigan ko noong College
- mga kaibigan ko noong high school at elementary
- mga pinsan ko
- mga Tita ko
- mga Lola at Lolo
- mga kapatid ko
- mga kasamahan ko sa hospital
- atbp.
Parang lahat sila ay umiikot sa aking mundo. At dahil mahilig ako mag-analyze ng mga bagay bagay, na-classify ko na naman sila. Una yata akong lumapit sa ilan kong mga pinsan na sinabihan ako na pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung bakit. Wari'y pinalalayo nila ako sa mga kasamahan ko sa hospital na nasa sala. Syempre hindi agad ako pumunta sa kusina. Nilapitan ko pa rin ang mga kasamahan ko sa hospital, mga nurse din. Kasi naman crush ko yung isa, at iba ang tibok ng puso ko pag nasa paligid siya. Pero hindi naman niya ako pinapansin kaya pumunta ako sa kusina. Pagpunta ko roon ay nakaramdam ako ng pagkasuka. Nagsuka ako sa kawali na bukas ang apoy. Parang niluluto ang suka ko. Tandang tanda ko pa ang dugyot na pagsuka ko sa kitchen. Habang nagsusuka ako ay pumasok sa pintuan sa may kusina ang mga tita, tito at Lola ko. Nang makaget over ako sa vomiting ay lumapit ako sa mga bagong dating at nagmano. Ngunit hindi ako pinahiram ng Lola ko ng kanyang kamay. Sinubukan ko na lang na umiwas pero hinawakan niya ako sa braso, hinigit ako papalapit sa kanyang mukha at may ibinulong siya sa akin. "Gusto ko ng Jollibee. Yung rice at extra rice. At yung chicken na may 'puchikelia' ha. Sige na ipabili mo na. Please. Please. Gustong gusto ko yun." Syempre mahal ko at ginagalang ko siya. Sinabi ko sa tita ko na ibili siya. Ganunpaman, hindi pa rin ako nakapagmano. Sa may harapan niya ay yung crush ko. Nage-emote na para bang may mabigat na dinadala. Sa una ay nagtaka ako kung bakit siya kasama ng mga Lola ko. May sinasabi siya na hindi ko na maintindihan kasi parang sasabog na ang luha niya. Gusto kong isipin na nagpapapansin lang siya sa akin. Ambisyoso. Hehehe. Napalingon ako sa kabilang banda at naroon ang mga kaibigan ko sa Facebook na karamihan ay hindi ko pa nakikita sa personal. Wala akong makausap sa kanila. Nilapitan ako ng isa ko pang crush sa Facebook at nagtanong sa akin kung ano ang Tagalog sa Toothbrush. Alam kong sepilyo ano! Pero hindi ako sumagot noon at bumalik ako sa may kitchen at nagtoothbrush ako. Anong gusto niya palabasin? Hahaha. Natatawa ako. Anyway, matapos ako magtoothbrush ay hindi ko maalala ang kasunod na pangyayari. Ang alam ko lang ay ang huling eksena - ang mga kapatid ko, nagugutom na. Gusto rin daw ng Jollibee. =(
Weird.
Nagising na ako na mixed ang emotions. 90% ng panaginip ko ay masaya naman at nakakatuwa. Pero nakakabagabag ang 10% na nakakalungkot. Naisip ko tuloy na may ipinapahiwatig sa akin ang panaginip na ito.
Una, sino ba ang totoong mahalaga sa buhay ko na dapat kong unahin? Syempre priority ko ang mga kapatid ko. Ako ang tumatayong padre de pamilya eh.
Pangalawa, ano ba ang napapala ko sa mga crush crush na yan? Panandaliang kasiyahan? Na sa katapusan ng araw ay masasaktan ka lang dahil maiisip mong hanggang doon lang talaga?...
Pangatlo, tama ba ang paggamit ko sa oras ko? Nasusulit ko ba ang bawat minuto dito sa mundo? Naipaparamdam ko ba sa mga taong mahal ko na mahal ko talaga sila? May natututunan ba ako sa bawat araw na dumaraan sa buhay ko? Panahon na siguro para sulitin ko ang buhay na ito.
Lastly, dapat yata mas alagaan ko pa ang sarili ko. Marami ang umaasa sa akin. Marami ang nagmamahal, marami ang nagtitiwala.
Bawat tao sa buhay ko, may ginagampanan para mabuo ko ang sarili ko, para matapos ko ang misyon ko. Ikaw, alam ko may parte ka rin sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano, kung paano, si God ang nakakaalam. Mabubuhay ako sa ilalim ng kanyang gabay, kasama kayo na mahalaga sa aking buhay.

Tuesday, March 2, 2010
Summer Scent
Hewh! Kakauwi ko lang from duty ng 6am to 2pm. 3pm na ako nakauwi, halos 2:30 na kasi dumating ang ka-endorse. Dumaan pa ako sa Jollibee. Grabe, suuuuper init ng panahon, mabanas, maalinsangan, at kung anu pang tawag. Basta, ito yung feeling na malagkit, nakakairita, na parang gusto mo magbabad sa bitch, este beach pala. And speaking of beach, marami ang excited sa swimming, sa mga sumer getaway. Yung iba trip sa Baguio, sa Tagaytay, Out-of-country para sa mga susyal, at para naman sa mga can't afford na katulad ko, ay sa ilalim ng puno na mahangin at presko din naman sa pakiramdam. Maraming resorts ang mabenta, ang mga tindera ng halo-halo, palamig, ice cream, salbabida, pamaypay, atbp., bonggang bongga ang kinikita. Pero dahil din d'yan, na-realize ko na marami rin ang may ayaw sa summer!
Wapak! Eto na!
Ang mga tindahan ng lugaw, malulugi sila at pansamantalang magsasara pa. Ang mga magsasaka, natutuyo ang mga pananim nila sa init ng panahon at sa tindi ng sikat ng araw. Hindi lang syempre sila ang apektado, pati tayo na mga consumer. Ang shortage ng tubig, nagbabadyang mangyari lalo na sa mga lugar na umaasa sa mga Dam. Mas marami rin ngayon ang sakit na kumakalat dahil sa init ng panahon, mas aktibo ang mga mikrobyo, tapos medyo mahangin pa. Andyan lang ang mga bacteria at virus na nagdadala ng sakit, gaya ng tigdas, bulutong, rhinitis, allergies atbp. Pag summer din, malungkot ang mga workaholic na guro. Wala silang income kasi wala namang klase. Sa bawat tahanan, mas magastos sa kuryente kasi nasa bahay lagi ang mga estudyante. Bukas maghapon magdamag ang electric fan, aircon at TV. Mas magastos din sa tubig at mga gamit sa pagligo dahil sa panahon, unless tamad kang maligo, walang problema dun. Pag summer din marami ang nahi-heat stroke, nade-dehydrate, at inaatake ng B.O. nila.
At dahil nararamdaman kong walang masyadong sense itong sinasabi ko, matutulog na muna ako at magpapahinga. Ang banas talaga. At least may intro na'ko sa susunod kong blog about SUMMER. =)
*Thanks Eleni sa Photo. All rights reserved? Hehehe. =)
Friday, February 26, 2010
Iba't ibang Klase ng Hangin
Sa March 4 sa taong kasalukuyan ay ipagdiriwang ko ang aking ikadalawampu't isang kaarawan. 21 years na rin akong nabubuhay sa mundong ito at iba't ibang klaseng hangin na ang dumampi s balat ko, ang nagpagulo sa buhok ko, nagbaliktad ng payong ko, nagpasarap ng pakiramdam ko, at sumira ng araw ko. I've come up sa iba't ibang klase ng hangin as follows:
1. Hanging Fridge. Ano raw? Parang hanging bridge lang, anu ba yan. Fridge ang tawag ng iba sa refrigerator, yung iba nga 'prigider'. Ewan. Ito ang unang uri ng hangin, yung malamig at presko sa pakiramdam. Yung pag dumampi sa katawan mo, e parang langit, parang ang sarap matulog, magrelax. Kumbaga sa tao, ito yung mga taong masarap kasama, yung chill lang. Yung walang pressure na kasama, komportable ka sa kanila. Pag lumalapit sila, magaan ang loob mong ipakita ang sarili mo sa kanila. In short, true friends.
2. Hanging Alikalong. Ito yung hangin na normal naman, kaya lang may kasamang alikabok na nakakairita sa ilong! May allergic rhinitis pa naman ako kaya I really hate this. Kung ihahalintulad naman sa tao, ay sila yung pasimple kung magyabang. Akala mo simple lang pero pag bumanat na, tunay na maiirita ka. Kakaibang humirit at magpahangin ang mga taong ganito. Ngunit sila naman ay kayang pakisamahan. Kaya lang, hindi mo maiiwasan ang mairita sa kanila. Mapapa-hachoo! ka sa dalang hangin nila! Hachoo! Allergic ako sa inyo! 3. Hanging Pralang. Nagmula sa mga salitang 'parang wala lang'. Ito naman yung hanging sapat lang para sa ating paghinga. Laging andyan pero hindi natin nararamdaman. Sa buhay natin ay sila yung mga nananahimik lang, yung andyan lang, nadadaanan natin, nothing remarkable. Pero kung mag-iisip tayong mabuti, may halaga sila. Isipin mo na lang kung lahat ng tao ay Alikalong, ewan ko naman kung hindi mo ipanalangin maging Pralang sila. Para sa akin, hindi dapat sila binabalewala, dahil based on experience, may mga tao akong binalewala noon pero malaki ang nagawa sa buhay ko ngayon! Hindi sila waley! Sila ay Havey!
4. Hanging Baglat. Sobrang lakas na uri ng hangin, hindi lang bagyo, may kidlat pa! Ito ang nagpapataob sa mga sasakyan, nagpapalipad ng mga bubong, nagpapaguho ng matataas na lupa, sumisira sa mga tahanan, nangwawasak ng kabuhayan. Oo, ganun katindi. May mga tao ding ganyan, napakatindi ng angas! Bawat salitang binibigkas ay may kasabay na kulog at kidlat! Bawat galaw ay may hanging humahagupit! Tunay namang nakakainis! Pero sa dalawang dekada ko sa mundong ito, natuto na ako makisama sa mga ganitong klaseng hangin. Lagi ako nagdadala ng matibay na payong at kapote, nilalagyan ko pa ng mga bato ang mga bulsa at bota ko para hindi naman ako malipad sa lakas ng hangin na dulot niya. In short, iniintindi ko na lang sila. Dahil magkakaiba tayo ng personalidad, magkakaiba ng paraan ng pakikisama sa iba. Kanya-kanyang angas yan.
5. Hanging Peklat. Ito naman ang hanging peke, 'artificial', plastik. Hanging nabuo lamang dahil sa kagagawan nating mga tao - hangin mula sa pamaypay, electric fan, air conditioner, atbp. Mga hanging pinapagaan ang pakiramdam natin pag mainit ang panahon. Pero ang totoo, hindi naman talaga sila malamig na hangin, hindi sila fresh air. Maalinsangang hangin lang din sila, maalikabok. Naikukubli lang ang tunay nilang anyo dahil sa motion, electricity, o kung anumang bunga ng agham at teknolohiya. Kung sa tao, mga plastik, hindi pinapakita ang tunay na ugali nila. Pag kaharap mo, okey sila pero pag talikod mo, lumalabas ang masamang hangin mula sa kanila. I HATE THEM. All caps talaga no hehehe. Sino bang love ang mga tulad nila?
6. Hanging Kaligatan. Mga hanging biyaya ng kalikasan, ng karagatan - nagbibigay-buhay mula sa pinakamaliliit na organismo. Ito ang hanging walang halong polusyon. Ngunit ito rin ang hanging nawawala na ngayon. I want to take this opportunity na rin na manawagan, alagaan natin ang hangin na bumubuhay sa atin. Tigilan ang polusyon, alagaan ang kalikasan. Kumbaga sa tao, ito yung mga taong nagbibigay ng tunay at wagas na pag-ibig, yung walang hinhinging kapalit. Gaya ng pagmamahal na ibinigay sa amin ng aming ina. Mahal na mahal namin siya. Ngunit higit kaninoman, si GOD pa rin ang may Ultimate Love para sa atin.
Marami pa akong hanging haharapin, kikilalanin. At sa journey kong ito, ang bawat hangin na yun ang nagpapalakas sa akin. Sila yung mga taong tutmutulong para mas maging progresibo ang buhay ko, at umunlad ang personalidad ko.
Sa mga susunod na hanging hahagupit sa akin, wag niyong alalahanin.
Dahil sa blog na ito ay inyong mababasa pa rin.
Iu-update ko kayo, yan ang pangako ko.
Sana'y hindi ko nasayang ang oras mo. =)

Sunday, February 7, 2010
First Time
Woohoo! Ganito lang ba kadali gumawa ng blogsite? Tagal ko na gusto gumawa nito, hindi kasi ako marunong. Friendster blogs lang nagagawa ko dati, and I failed to maintain updates. Anyway, testing itong post na ito.
Kanina lang umaga eh first time kong nakarinig ng sunud-sunod na putukan ng baril, palitan ng mga bala. Di tuloy ako nakaduty, sinarhan ang highway. Pero ang mas nakakalungkot ay may walong namatay. =( Yun na lang muna. More blogs soon.
Ooops. Magpapakilala pala muna ako. Ako si Totong, isang binata mula sa bayan ng Candelaria, lalawigan ng Quezon. Isa akong 20-year old nurse, positibong tao. Marami na akong pinagdaanang unos sa edad kong ito and I can say that I'm stronger. You will know more about me....... =)
Subscribe to:
Posts (Atom)