Sa March 4 sa taong kasalukuyan ay ipagdiriwang ko ang aking ikadalawampu't isang kaarawan. 21 years na rin akong nabubuhay sa mundong ito at iba't ibang klaseng hangin na ang dumampi s balat ko, ang nagpagulo sa buhok ko, nagbaliktad ng payong ko, nagpasarap ng pakiramdam ko, at sumira ng araw ko. I've come up sa iba't ibang klase ng hangin as follows:
1. Hanging Fridge. Ano raw? Parang hanging bridge lang, anu ba yan. Fridge ang tawag ng iba sa refrigerator, yung iba nga 'prigider'. Ewan. Ito ang unang uri ng hangin, yung malamig at presko sa pakiramdam. Yung pag dumampi sa katawan mo, e parang langit, parang ang sarap matulog, magrelax. Kumbaga sa tao, ito yung mga taong masarap kasama, yung chill lang. Yung walang pressure na kasama, komportable ka sa kanila. Pag lumalapit sila, magaan ang loob mong ipakita ang sarili mo sa kanila. In short, true friends.
2. Hanging Alikalong. Ito yung hangin na normal naman, kaya lang may kasamang alikabok na nakakairita sa ilong! May allergic rhinitis pa naman ako kaya I really hate this. Kung ihahalintulad naman sa tao, ay sila yung pasimple kung magyabang. Akala mo simple lang pero pag bumanat na, tunay na maiirita ka. Kakaibang humirit at magpahangin ang mga taong ganito. Ngunit sila naman ay kayang pakisamahan. Kaya lang, hindi mo maiiwasan ang mairita sa kanila. Mapapa-hachoo! ka sa dalang hangin nila! Hachoo! Allergic ako sa inyo! 3. Hanging Pralang. Nagmula sa mga salitang 'parang wala lang'. Ito naman yung hanging sapat lang para sa ating paghinga. Laging andyan pero hindi natin nararamdaman. Sa buhay natin ay sila yung mga nananahimik lang, yung andyan lang, nadadaanan natin, nothing remarkable. Pero kung mag-iisip tayong mabuti, may halaga sila. Isipin mo na lang kung lahat ng tao ay Alikalong, ewan ko naman kung hindi mo ipanalangin maging Pralang sila. Para sa akin, hindi dapat sila binabalewala, dahil based on experience, may mga tao akong binalewala noon pero malaki ang nagawa sa buhay ko ngayon! Hindi sila waley! Sila ay Havey!
4. Hanging Baglat. Sobrang lakas na uri ng hangin, hindi lang bagyo, may kidlat pa! Ito ang nagpapataob sa mga sasakyan, nagpapalipad ng mga bubong, nagpapaguho ng matataas na lupa, sumisira sa mga tahanan, nangwawasak ng kabuhayan. Oo, ganun katindi. May mga tao ding ganyan, napakatindi ng angas! Bawat salitang binibigkas ay may kasabay na kulog at kidlat! Bawat galaw ay may hanging humahagupit! Tunay namang nakakainis! Pero sa dalawang dekada ko sa mundong ito, natuto na ako makisama sa mga ganitong klaseng hangin. Lagi ako nagdadala ng matibay na payong at kapote, nilalagyan ko pa ng mga bato ang mga bulsa at bota ko para hindi naman ako malipad sa lakas ng hangin na dulot niya. In short, iniintindi ko na lang sila. Dahil magkakaiba tayo ng personalidad, magkakaiba ng paraan ng pakikisama sa iba. Kanya-kanyang angas yan.
5. Hanging Peklat. Ito naman ang hanging peke, 'artificial', plastik. Hanging nabuo lamang dahil sa kagagawan nating mga tao - hangin mula sa pamaypay, electric fan, air conditioner, atbp. Mga hanging pinapagaan ang pakiramdam natin pag mainit ang panahon. Pero ang totoo, hindi naman talaga sila malamig na hangin, hindi sila fresh air. Maalinsangang hangin lang din sila, maalikabok. Naikukubli lang ang tunay nilang anyo dahil sa motion, electricity, o kung anumang bunga ng agham at teknolohiya. Kung sa tao, mga plastik, hindi pinapakita ang tunay na ugali nila. Pag kaharap mo, okey sila pero pag talikod mo, lumalabas ang masamang hangin mula sa kanila. I HATE THEM. All caps talaga no hehehe. Sino bang love ang mga tulad nila?
6. Hanging Kaligatan. Mga hanging biyaya ng kalikasan, ng karagatan - nagbibigay-buhay mula sa pinakamaliliit na organismo. Ito ang hanging walang halong polusyon. Ngunit ito rin ang hanging nawawala na ngayon. I want to take this opportunity na rin na manawagan, alagaan natin ang hangin na bumubuhay sa atin. Tigilan ang polusyon, alagaan ang kalikasan. Kumbaga sa tao, ito yung mga taong nagbibigay ng tunay at wagas na pag-ibig, yung walang hinhinging kapalit. Gaya ng pagmamahal na ibinigay sa amin ng aming ina. Mahal na mahal namin siya. Ngunit higit kaninoman, si GOD pa rin ang may Ultimate Love para sa atin.
Marami pa akong hanging haharapin, kikilalanin. At sa journey kong ito, ang bawat hangin na yun ang nagpapalakas sa akin. Sila yung mga taong tutmutulong para mas maging progresibo ang buhay ko, at umunlad ang personalidad ko.
Sa mga susunod na hanging hahagupit sa akin, wag niyong alalahanin.
Dahil sa blog na ito ay inyong mababasa pa rin.
Iu-update ko kayo, yan ang pangako ko.
Sana'y hindi ko nasayang ang oras mo. =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lucky Club Casino Site | Live casino site
ReplyDeleteLucky luckyclub.live Club Casino is located at The Venue of the Gods and the Night at the Wynn. At The Venue of the Gods, players who love gambling can experience a thrilling