Wednesday, April 7, 2010

Ang Aking Memory Box


Mas matindi pa sa Pandora's Box ang kayang ilabas ng aking mahiwagang Memory Box! Yes naman, matagal-tagal ko ring hindi ito nabubukasan. Natatawa ako sa mga laman nito dahil yung iba eh kitang kita ang pagka-corny ko. Hindi naman actually ka-cornyhan. Just sentimental. Hindi ka maniniwala na may mga takip dito ng alak na itinago ko pa para may remembrance sa mga unang pagkakataon na dumaloy ang alkohol at alak sa aking sistema.

Una pa lang yan. There's more. Ultimong mga resibo sa Jollibee, McDonald's, Pizza Hut atbp. fast food and resto e naitago ko. Ngayon ay kupas na at hindi na makita kung magkano ang nagastos. Balak ko pa naman sana kwentahin lahat kung magkano. Hehehe.

Naglalaman din ito ng maraming litrato. Mula pa nung bata ako, hanggang elementary, high school, college, at ngayong ganap na akong propesyonal. Nakakatawa kasi para akong tao na bumaba ng level tapos umangat uli. Homo sapiens tapos naging homo erectus, tapos naging homo sapiens ulit. Hahaha. Nakakatawa dahil dumaan din yata ako sa pagiging palaka.

Hindi siyempre mawawala ang mga sulat sa akin, simple man yan o hindi. Nasa scrap man o nasa magandang envelope. Mga card na nagmula sa iba't ibang tao sa iba't ibang okasyon. Meron din naman na kahit walang okasyon eh sinusulatan ako. Pero meron din na mga sulat ko sa sarili ko. OMG. Ang corny ko. And I'm so immature pa noon. Hahaha.

Pati nga sim packs eh andito. May sun, globe, kapamilya sim, smart, TM, talk n txt, hahaha. Oo may kapamilya sim card ako dati hahaha. Loyal eh, bakit ba?

Lyrics ng kanta meron din. Yung mga kanta na kinaadikan ko noon. Meron din mga script na ginawa ko noong college para sa mga presentation. May mga library card, ID, atbp. Meron nga ding mga etiketa, mga price tags, plastics, tickets ng bus, movie house, at amusement parks.

Syempre naman andito ang mga regalo sa akin na mga bagay-bagay. Super naaappreciate ko po hanggang ngayon! Marami pa talaga. Pati balat ng mga candy, chocolate, snacks, ketchup, at gamot. May mga token, key chain, excuse letters, tuition fee receipts, ribbons, stamps, raffle ticket, paint brush, at marami pang iba.

Kailangan ko nang maglipat ng lalagyan. Napupuno na ng mga alaala ang kahon. Kailangan ko nang maghanda para sa mga bagong alaala na bubuuin ko kasama ang mga tao sa paligid ko. Maraming alaala ang darating at bubuuin pero siguradong may mga alaalang hindi na mabubura sa aking isip at diwa. At hangga't andito ang kahon ko, mananatiling buhay ang mga alaalang minsang kumurot sa aking puso. Thank you Box ko, I love you! Hehehe.

1 comment:

  1. meron din ako nyan kaso nasasaktan ako pag binubuksan ko :( Sakit.info

    ReplyDelete