Sunday, April 4, 2010

Mga Mukha sa Aking Panaginip

Happy Easter and Happy Summer sa inyong lahat. Easter Sunday ngayon at sa halip na naghahanap ako ng itlog, ay pag-aadmit ng mga pasyenteng mataas ang BP, inuubo, hinahapo, at nilalagnat, ang aking inatupag. Nakakapagod, first day ko pa naman sa Emergency Room. At dahil stressed ako ay natulog ako pagkauwi ko sa bahay...

Madalas pag nananaginip ako, hindi ko na naaalala pagkagising ko kung anuman yun. Pero kanina, saglit lang naman ako natulog, siguro dalawang oras lang. Bakit parang ang dami dami kong napanaginipan. Napakaraming tao sa panaginip kong iyon at hanggang ngayon ay pilit ko pang inaaalala kung sino pa yung iba. Maraming tao pero iisa halos ang setting, dito sa bahay namin.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon, bakit dinumog yata kami. Wala namang handaan. Wala namang patay. Hindi rin fiesta. Narito ang incomplete list ng mga nakita ko sa panaginip ko.

- mga kaibigan ko sa Facebook
- mga kaibigan ko noong College
- mga kaibigan ko noong high school at elementary
- mga pinsan ko
- mga Tita ko
- mga Lola at Lolo
- mga kapatid ko
- mga kasamahan ko sa hospital
- atbp.

Parang lahat sila ay umiikot sa aking mundo. At dahil mahilig ako mag-analyze ng mga bagay bagay, na-classify ko na naman sila. Una yata akong lumapit sa ilan kong mga pinsan na sinabihan ako na pumunta sa kusina. Hindi ko alam kung bakit. Wari'y pinalalayo nila ako sa mga kasamahan ko sa hospital na nasa sala. Syempre hindi agad ako pumunta sa kusina. Nilapitan ko pa rin ang mga kasamahan ko sa hospital, mga nurse din. Kasi naman crush ko yung isa, at iba ang tibok ng puso ko pag nasa paligid siya. Pero hindi naman niya ako pinapansin kaya pumunta ako sa kusina. Pagpunta ko roon ay nakaramdam ako ng pagkasuka. Nagsuka ako sa kawali na bukas ang apoy. Parang niluluto ang suka ko. Tandang tanda ko pa ang dugyot na pagsuka ko sa kitchen. Habang nagsusuka ako ay pumasok sa pintuan sa may kusina ang mga tita, tito at Lola ko. Nang makaget over ako sa vomiting ay lumapit ako sa mga bagong dating at nagmano. Ngunit hindi ako pinahiram ng Lola ko ng kanyang kamay. Sinubukan ko na lang na umiwas pero hinawakan niya ako sa braso, hinigit ako papalapit sa kanyang mukha at may ibinulong siya sa akin. "Gusto ko ng Jollibee. Yung rice at extra rice. At yung chicken na may 'puchikelia' ha. Sige na ipabili mo na. Please. Please. Gustong gusto ko yun." Syempre mahal ko at ginagalang ko siya. Sinabi ko sa tita ko na ibili siya. Ganunpaman, hindi pa rin ako nakapagmano. Sa may harapan niya ay yung crush ko. Nage-emote na para bang may mabigat na dinadala. Sa una ay nagtaka ako kung bakit siya kasama ng mga Lola ko. May sinasabi siya na hindi ko na maintindihan kasi parang sasabog na ang luha niya. Gusto kong isipin na nagpapapansin lang siya sa akin. Ambisyoso. Hehehe. Napalingon ako sa kabilang banda at naroon ang mga kaibigan ko sa Facebook na karamihan ay hindi ko pa nakikita sa personal. Wala akong makausap sa kanila. Nilapitan ako ng isa ko pang crush sa Facebook at nagtanong sa akin kung ano ang Tagalog sa Toothbrush. Alam kong sepilyo ano! Pero hindi ako sumagot noon at bumalik ako sa may kitchen at nagtoothbrush ako. Anong gusto niya palabasin? Hahaha. Natatawa ako. Anyway, matapos ako magtoothbrush ay hindi ko maalala ang kasunod na pangyayari. Ang alam ko lang ay ang huling eksena - ang mga kapatid ko, nagugutom na. Gusto rin daw ng Jollibee. =(

Weird.

Nagising na ako na mixed ang emotions. 90% ng panaginip ko ay masaya naman at nakakatuwa. Pero nakakabagabag ang 10% na nakakalungkot. Naisip ko tuloy na may ipinapahiwatig sa akin ang panaginip na ito.

Una, sino ba ang totoong mahalaga sa buhay ko na dapat kong unahin? Syempre priority ko ang mga kapatid ko. Ako ang tumatayong padre de pamilya eh.

Pangalawa, ano ba ang napapala ko sa mga crush crush na yan? Panandaliang kasiyahan? Na sa katapusan ng araw ay masasaktan ka lang dahil maiisip mong hanggang doon lang talaga?...

Pangatlo, tama ba ang paggamit ko sa oras ko? Nasusulit ko ba ang bawat minuto dito sa mundo? Naipaparamdam ko ba sa mga taong mahal ko na mahal ko talaga sila? May natututunan ba ako sa bawat araw na dumaraan sa buhay ko? Panahon na siguro para sulitin ko ang buhay na ito.

Lastly, dapat yata mas alagaan ko pa ang sarili ko. Marami ang umaasa sa akin. Marami ang nagmamahal, marami ang nagtitiwala.

Bawat tao sa buhay ko, may ginagampanan para mabuo ko ang sarili ko, para matapos ko ang misyon ko. Ikaw, alam ko may parte ka rin sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano, kung paano, si God ang nakakaalam. Mabubuhay ako sa ilalim ng kanyang gabay, kasama kayo na mahalaga sa aking buhay.

No comments:

Post a Comment