Tuesday, March 2, 2010

Summer Scent


Hewh! Kakauwi ko lang from duty ng 6am to 2pm. 3pm na ako nakauwi, halos 2:30 na kasi dumating ang ka-endorse. Dumaan pa ako sa Jollibee. Grabe, suuuuper init ng panahon, mabanas, maalinsangan, at kung anu pang tawag. Basta, ito yung feeling na malagkit, nakakairita, na parang gusto mo magbabad sa bitch, este beach pala. And speaking of beach, marami ang excited sa swimming, sa mga sumer getaway. Yung iba trip sa Baguio, sa Tagaytay, Out-of-country para sa mga susyal, at para naman sa mga can't afford na katulad ko, ay sa ilalim ng puno na mahangin at presko din naman sa pakiramdam. Maraming resorts ang mabenta, ang mga tindera ng halo-halo, palamig, ice cream, salbabida, pamaypay, atbp., bonggang bongga ang kinikita. Pero dahil din d'yan, na-realize ko na marami rin ang may ayaw sa summer!

Wapak! Eto na!
Ang mga tindahan ng lugaw, malulugi sila at pansamantalang magsasara pa. Ang mga magsasaka, natutuyo ang mga pananim nila sa init ng panahon at sa tindi ng sikat ng araw. Hindi lang syempre sila ang apektado, pati tayo na mga consumer. Ang shortage ng tubig, nagbabadyang mangyari lalo na sa mga lugar na umaasa sa mga Dam. Mas marami rin ngayon ang sakit na kumakalat dahil sa init ng panahon, mas aktibo ang mga mikrobyo, tapos medyo mahangin pa. Andyan lang ang mga bacteria at virus na nagdadala ng sakit, gaya ng tigdas, bulutong, rhinitis, allergies atbp. Pag summer din, malungkot ang mga workaholic na guro. Wala silang income kasi wala namang klase. Sa bawat tahanan, mas magastos sa kuryente kasi nasa bahay lagi ang mga estudyante. Bukas maghapon magdamag ang electric fan, aircon at TV. Mas magastos din sa tubig at mga gamit sa pagligo dahil sa panahon, unless tamad kang maligo, walang problema dun. Pag summer din marami ang nahi-heat stroke, nade-dehydrate, at inaatake ng B.O. nila.

At dahil nararamdaman kong walang masyadong sense itong sinasabi ko, matutulog na muna ako at magpapahinga. Ang banas talaga. At least may intro na'ko sa susunod kong blog about SUMMER. =)

*Thanks Eleni sa Photo. All rights reserved? Hehehe. =)